DinoDirect Buy.com Engagement Ring Sale! Get her the ring she deserves! Save 7% on all fine jewelry purchases from WorldJewels.com. Code:

Maps

Monday, August 20, 2012

Republished Article

MULI (republished)—para sa ‘yo to “Buddy”

Malalim na ang gabi, medaling araw na nga, ngunit gising na gising ang aking diwa. Waring nang-iinis dahil nais ko nang magpahinga’t pagod na ang aking katawan --- pagod sa mga Gawain at marahil ay sa pag-iisip na rin, pag-iisip ng kung anu-ano lang. Muli narito na naman ako… nag-iisip, nagmumuni-muni. Hindi ko alam kung bakit ako ganito nitong mga huling araw. Kungsabagay, noon pa man ay ganito na ang personalidad ko, sentimental at may magkakataong gusto ay mag-isa lang.Maraming bagay ang naglalaro sa aking isipan. Personal na problem, lagi naman at hindi nawawala iyan. ‘Love life’ …huh…saying wala ako niyan. Pero hindi nangangahulugan na bato ako o dinaman kaya ay ‘bisexual’ tulad ng sabi ng iba, sa tingin ko ay hindi ko pa lang talaga “panahon”.

Sa aking pag-iisip, naalala ko ko tuloy ang isang kaibigan, matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita, ang mga masasaya naming mga karanasan---mga tagpo sa aking buhay na talagang kailanman ay hindi ko malilimutan. Marami akong mga bagay na natutunan sa kanya, mga bagay na hindi ko kailanman mapag-aaralan sa apat na sulok ng silid-aralan. Ang tunay na kahulugan ng buhay, ang realidad ng lipunan. Ngunit, bago ko pa man siya makadaupang-palad ay may alam na ako sa mga iyon, mga aral din akin ng akong mga kaibigansa larangang pinasukan ko…ang pagsusulat. Ngunit mas napatagos sa akin ang mga iyon dahil sa kanya, bunga na rin ng matiyagang pagkausap sa isang “pasaway” na tulad ko, ‘ ni minsan ay hindi siya nagsawa sa pagbibigay ng kaalaman at aral sa akin. Naalala ko nga minsan nang magpasalamat ako sa kanya dahil doon, hindi siya makapaniwala na marami akong natutunan sa kanya… Ang akala niya ay hindi siya makatulong sa aking pag-unlad. Napapikit ako. Inaalala ko ang mga sandaling kami ay magkasama, mga tagpong nagturo sa akin upang maging ako sa kinalalagyan ko ngayon. Ang maging matatag at maging handa sa anumang maaring mangyari. ‘Ika nga, lahat ng bagay ay nagbabago, walang permanente dito sa mundo. Kung ano ang kinalalagyan ko ngayon ay dahil sa kanya, wala ang isang “ako” kung wala ang isang tulad “niya”. Hindi ko na napigilang tumulo ang aking luha na kanina pang nag-aabang ng kanyang pagbuhos. Kung bakit? Hindi ko maipaliwanag.

Simula pa lang, bago pa ako maging isang manunulat, ay lagi ko nang pinagmamasdan ang paglubog ng araw at sa gabi naman ang sinag ng buwan. Wala na siguro pang gaganda pa sa mga panahon na iyon para sa akin, ‘senti’ nga ako ‘di ba. Bumalik sa aking gunita ng sabihin niya na magiging tulad ako ng ganda ng isang lumulubog na araw kung lagi akong ngingiti at kahit kalian ay hindi magkukunot ng aking noo. Natawa ako, siya lang ang nakapagsabi sa akin noon. Ngunit hindi ko ito gaanong binigyan ng pansin.

Sa aking paglalakbay sa iba’t-ibang lugar, lagi ko na itong ginagawa . Muli’t muli ko siyang naaalala, habang nagmamasid sa unti-unting paglubog ng araw hanggang maglaho at tuluyang lamunin ng karimlan. Haaayyy… ang saya ng tagpong iyon. Sana kasama ko siya ng mga panahon na iyon. Sana lagi ko siyang kapiling sa bawat dapit-hapon, ay pagkatapos ay sabay sana naming sasalubungin ang pagsikat ng buwan. Sana kasamako siya sa bawat oras na ako’y masaya at karamay naman sa bawat pagluha. Kung minsan nga naiisip ko na ayoko nang maging masaya…lalo lang kasi akong nalulungkot. Dahil ‘pag maligaya ako ay siya ang unang-unang pumapasok sa isipan ko. Naiisip ko kung Masaya rin ba siya sa panahon na iyon, dahil wala akong nais na makasama sa mga panahong masaya ako kundi siya lang.

Ngunit, kailanman ay hindi na mangyayari ang mga bagay na naiisip ko. Marahil hanggang pangarap na lamang ang mga bagay na iyon. Tanggap ko na hindi na magkakaroon pa ng pagkakataon na muli kaming magkikita at magkakasama. Hinanda ko na ang sarili ko, nang dumating na ang oras ng aming pamamaalam. At tila ayaw naming magpahayag nang aming pamamaalamsa aming huling pag-uusap. At pagkatapos ay wala na akong balita sa kanya. “The problem with saying ‘Hello’ is bidding ‘Goodbye’…” iyan lang ang masasabi ko. Ika nga sa kantang pinakikinggan ko:“Some good things never last…”

Kung nasaan man siya ngayon, hiing ko lang sana kahit minsan lang ay maalala niya ako. Dahil kailanman ay hindi ko siya kinalimutan at hindi nawala sa aking isipan. Baon ko ang mga alaala niya ay mananatili hanggang sa aking kamatayan. Bitbit ko ang mga aral mula sa kanya. Sana kahit minsan ay maisip niya na nandito lang ako palagi at habang-buhay na maghihintay at umaasa na darating din ang panahon na muling magkikita at magkakasama---muling pagsasaluhan ang bawat lungkot at saya, ang hirap at ginhawa. At higit sa lahat, hindi na maghihiwalay pa.

Iyon ay kung kami’y muli pang magkikita…

(The Catalyst Volume XVII Issue 5)


* Note: 
 Dahil bigla kitang naalala nang minsang isang gabi na gusto ko nang matulog upang makapagpahinga dahil sa ilang araw na ring pagpupuyat sa maraming ginagawa at bagahe sa mga usaping pampersonal, ninais kong gumawang muli ng isang artikulo na patungkol sa’yo…maraming mga salita, iba’t-ibang mga berso ang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko, ngunit dahil sa kalagayang matagal-tagal na ring panahon na hindi ako nagsusulat dahil na rin sa naging linya ng mga gawain sa matagal na ring panahon, hindi ko mapagtagni-tagni ang mga salitang iyon para bumuong muli ng isa pang kwento o artikulong para sa’ yo kahit na ikaw pa ang maging inspirasyon ko para magawa ito at paumanhin para dito. Naisip ko na muli na lang ilathala ang dati ko nang likha para maipahayag kahit sa simpleng paraan ang pangungulila sa presensiya mo, upang maibahagi ko na lang din sa iba ang aking likha sa ibang pang mga kaibigan at kakilala. Batid kong mayroon nang nakabasa nito ngunit alam ko ng mas marami pa ang hindi, kaya nais ko lang siyang ibahagi…Kahit alam kong maaring hindi naman ito mabibigyan ng pansin ng mga taong makakabasa, ang gusto ko lang ay mabawasan kahit man lang konti ang nararamdaman kong lungkot dahil, sa mga panahong ito ay lalo kitang naalala. Dahil dati ay sa’yo ako kumukuha ng lakas ng loob para magpatuloy sa buhay…Batid kong wala rin naming saysay ang ginagawa kong ito dahil marahil ay wala namang paraan para mabasa mo ‘to. Ngunit sa isang banda alam ko ay ipagmamalaki mo hindi lang ako kung pati na rin ang sarili mo, dahil minsan sa buhay mo ay nakatulong ka sa pag-unlad ng isang indibidwal sa sarili mong paraan, at walang hanggan ang aking pasasalamat sa’yo para sa pag-unlad na ito. Hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin ang mga bagay na natutunan ko sa’yo at sa mga oras na ito ay isa ka pa rin sa mga taong nagbibigay ng lakas sa akin. Ang tanging hiling ko lang ay kung nasaan ka man ay maalala mo ako kahit sandali sa buhay mo. Sana laging maayos ang kalagayan mo. Alam ko at umaasa akong darating pa rin ang panahon na muling magtatagpo ang ating mga landas sa tamang panahon…

At patuloy akong umaasa na mababasa mo rin ito…

Tuesday, July 24, 2012

Improptu article


eto lang yan eh, kulang talaga ang space sa status ng FB in fairness to, no gay lingo at impromptu

(From my FB Notes, Tuesday, October 20, 2009)

Now at this point you taste your victory for making me down, and I know you're happy...well you should be. But, I guess your happiness just lies in there. If your happiness is making a person down well then so be it! Thanks to me for making you happy...If your happiness is equals to someone's grief, you won this time! If that's what you want, I'll just let you to be and treated me that way. If that will help for the advancement your ideological foundation and increase your political gain, well, I'm happy that I've helped a 'comrade' like you, (even your attitude don't look like one).


Maybe, you may just feel that you've won but I know and I'm confident that I am the winner here, for you've just shown everybody your real self and you've just proven that you don't deserve any respect from everybody always remember my dear comrade, "respect is earned!" for me you don't deserve not a single drop of respect from me as well as to other people.

I know for myself, I've proven if not everything, at least "something" I believe despite of my lapses, mistakes & imperfections, I know there are still people whom I gain their respects by earning them and not by imposing them to respect me. I still believe, after all, my friends were still at my side no matter what, in spite of everything and now I know who were my real friends are. I know that there are still people who believe in me and with my abilities.

I pity those people who have nothing to proud be of and haven't proven anything and yet, as arrogant, immodest and antagonistic as if they have shown everything they've got and proven everything, well in fact don't have anything to prove and I think they just a "nobody" compared to me and to what I've done and achieved

I'm really planning to leave anyway, I've made up my mind. They don't have to do it, I'm just waiting for the right time and I just have to finish all those "unfinished" crap! You may also ask the angels and even the demons!

And now, If I will totally turned back-faced to what I have and where I am right now. This is not to show my cowardice, it's just only to show to everyone my valor and worth as a person; for I don't want to be as self-aggrandizing person as my adversary. And mostly, after all the sacrifices I've made, I wanted to have a dignified and graceful exit.

I know bourgeois world is waiting for me and I'm welcome ... with open arms...

I hope that I've made you all happy... even if it is parallel to leaving the world I've loved for almost a decade...

https://www.facebook.com/notes/scarlett-de-la-rea-scandal/eto-lang-yan-eh-kulang-talaga-ang-space-sa-status-ng-fb-in-fairness-to-no-gay-li/155988689204

An old blog entry

ang bad trip experience [mula sa Friendster blog ko (Sept. 1, 2009)]


Monday, December 14, 2009 at
bad trip talaga, supposedly may get-together kami ng mga kaibigan ko ending nag-kape na lang kami haaay ayun lang naman tagal kong hinintay yung araw na yun 
at eto pang isang kakainis na bagay, bad trip na nga dahil sa na-cancel na event, masisira pa lalo ang araw mo sa unknown texter na sumisira ng mood mo..


akakalain mo ba naman na bad trip ka na nga nung gabing yun sasabay pa to ng epalerong texter at ang malupit jan ibang level na to eto na alam na ang pangalan ko..at pinipilit na taga teresa St. ako eh hindi nga eh di ba alam nyo namn yun diba?! kakainis ayaw akong tigilan ng mga ito pag tinawagan mo nmn out-of-service area yung maririnig mo hindi mo lamg kung nanandya o kung ano…haaay ampota malaman ko lang talaga kung sino ang promotor nito lahat ng ito naku po patawarin ako... hindi ko alam kung ano magagawa ko sa kanya

wala lang share ko lang internet na lang kasi ang bestfriend ko ngayon.....

- - - - - - 

sa dami ng pinagdadaanan ko ngayon, puro problema at sakit haaay alam nyo ba na irregular na ang heartbeat ko sa depression sa ngyayari sa buhay ko… kung bakit naman kasi puro mga insensitive na tao ang mga nakapaligid sa akin. kaya eto wala akong mapag-share-an sa internet lang… saka may bagay talang ang hirap -ishare sa iba…nakakatakot na baka walang makaintindi sa akin, haahhh ang hirap talaga 
kung maibabalik ko lang ang oras ng buhay ko babalikan ko yung panahon na may mali akong ginawang desisyon na xang nagpabago sa buhay ko ngayon, kung hindi ba ako sumugal ng ganito mananalo kaya ako… kasi ngayon alam ko talong-talo ako kahit pamato at panabla itinaya ko… pero wala akong napala.

Ang hirap palang maging selfless minsan. pakiramdam ko nagamit lang ako sa pansariling gain ng mga selfish, impulsive, insensitive at mga walang kwentang tao…

(tama nga siguro yung description nya sa sarili nya sa isa sa mga social networking sites- na wla xang kwenta)
Hindi ako bitter dahil wala naman dapat ipag-bitter…gusto kong magalit pero dapat kong isipin na dapat magalit din ako sa sarili ko dahil ako naman talaga ang may kasalanan (teka kasalanan ko nga lang ba talaga) sa tingin ko kung hindi nagyari yun hindi magiging ganito…siguro nga kasalanan ko ang masakit lang never kasi pinahalagahan ang lahat parang walang worth or value ang lahat…siguro dahil nakuha lang kasi ng walang effort at walang kahit anong hirap… kaya siguro never binigyan ng halaga. Tama tama kasalanan ko nga lang tong lahat… ako kasi eh…ang tanga tanga…haayy matalino naman akong tao at hindi ako nagpapatalo, palaban ika nga kilala ako sa "insti" at sa tingin ng lahat ay halos perpekto, dahil "perfectionist" nga daw  (magbubuhat muna ako ng bangko) pero bakit parang bigla kong nakalimutan ang lahat ng aral na natutunan ko? bakit bigla akong naging tanga… siguro nga hindi namn talaga ako matalino akala lang siguro yung ng mga lecheng tao sa paligid ko! sila lang siguro ang nagpilit na isaksak sa utak ko yun kaya yun na rin ang iniisip ko…pero ang totoo tanga naman talaga ako. Bakit ba kasi ganito eh..sana may makabasa sana may makinig… at lalong sana may taong handang umintindi at umunawa, na tao lang ako at nakakamali hindi ako perpekto, at hindi rin ako Dyos. 

Ang hiling ko lang naman, sana pagkatapos ng lahat lahat ng mga nangyari at mga nagawa ko tanggapin pa rin ako ng lipunang ginagalawan ko...at ng mga taong alam kong mga tunay na nagmamahal sa akin bilang ako, hindi bilang taong kilala nila dahil sila'y may kailangan o pabor na dapat pagbigyan...
https://www.facebook.com/notes/scarlett-de-la-rea-scandal/ang-bad-trip-experience-mula-sa-friendster-blog-ko-sept-1-2009/199609364204
Blog Advertising - Advertise on blogs with SponsoredReviews.com Blog Advertising - Advertise on blogs with SponsoredReviews.com
NOW for more discounts and deals: http://www.wholesale-dress.net/union-9956